Ipinanganak si Margaret (tunay na pangalan) noong ika-24 ng Pebrero taong 1826. Nang siya ay dalaga na, nagpunta siya kasama ang parokya sa Trier upang magbigay galang sa relik ng damit na ginamit ng Panginoong Hesukristo. Dinanas ng dalagang si Margaret ang maraming pighati matapos ng pagbisita nila sa Trier. Namatay ang kanyang ina, ang masamang pagtrato ng kanyang madrasta, ang hindi inaasahang pagkamatay ng kanyang ama, ang kakulangang pinansyal na dinanas niya matapos mamatay ang ama at ang pagkadawit ng pangalan ng pamilya nila dahil sa kanyang madrasta. ang pangako niyang manatiling birhen ay hinadlangan ng mga manliligaw ngunit dahil sa mataimtim na pananalangin ay napanatili niya ang kanyang kalinisan. Pinangarap niya na magtayo ng samahan na tutulong sa mga pangangailangan ng komunidad, tulad ng pagbibigay ng tulong sa mga kapus-palad. Noong Nobyembre ng taong 1851, kapistahan ng lahat ng mga santo, pormal na inaprubahan ang samahang ito upang tumulong sa pangangailangan ng komunidad.. Noong 1863, pormal na itinatag ang “Franciscan Sisters of the Blessed Virgin Mary of the angels” ng Waldbreitbach, Germany. Dito palang nagsimula ang kanyang paghihirap. Ngunit sa lahat ng pagdurusang dinanas niya, Si Hesus sa Santisimo Sacramento, sa anyo ng tinapay ang kanyang naging tanggulan at lakas. Malaki ang debosyon ni Mother Rose sa Banal na Puso Ni Hesus, sa katunayan, binigyan niya ito ng natatanging paggalang sa kanilang kongregasyon. Hindi parin siya nilubayan ng mga problema. Nang dumating ang panahon na hindi na siya ang superyora ng kongregasyon, dinanas niya ang maraming diskriminasyon tulad ng pagsasawalang bahala sa kanya. Ngunit ang lahat ng paghihirap at pasakit na dinanas niya ay inialay niya Kay Hesus na nakapako sa krus. Katulad ng ginto na lalong gumaganda sa init at pagkadarang sa apoy, ang pagpapakasakit ni Mother Rose ang siyang nagpatibay sa kanyang mahina at marupok na kaluluwa. Isang kaluluwang umaasa sa pagmamahal ng Diyos. Napakaraming pagdurusang ispiritwal, emosyonal at pisikal ang kanyang pinagdaanan ang hindi naitala sa talambuhay na ito. Ngunit ang lahat ng pagpapakasakit na ito ang siyang nagpatatag sa kanya. Nang gabi bago siya mamatay, naghanda siya upang tanggapin ang Katawan ni Kristo sa anyo ng tinapay. Ang malala ay hindi siya pinagbigyan ng pari. Ngunit pinagtiisan niya ang pagdurusang ito. Simula pa lamang ng kanyang unang komunyon (first communion), matindi na ang pagnanais niya na tanggapin muli Si Hesus sa komunyon. Kayat mararamdaman natin ang sakit na kanyang dinanas ng ipagkait sa kanya ang komunyon. ang mga huling namutawi sa kanyang mga bibig ay: Pupunta na ako sa Langit. ano ang aral mula kay Mother Rose? Ialay ang lahat ng bagay Kay Kristong nakapako sa krus at mamuhay nang sinisikap sundin ang kalooban ng Diyos.
Tuesday, August 4, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment