Tuesday, August 4, 2009

Blessed Marie-Leonie Paradis


Si. MO. LEONIE ay ipinanganak sa L'Acadie, Quebec, noong taong 1840. Noong siya ay 14 na taong gulang, pumasok siya sa Kumbento ng MARIANITES of the HOLY CROSS sa St. LAURENT at sinuot ang abito noong 1857 matapos nang siya ay makapag-turo ng ilang taon.

Noong 1847 inatasan siya ni Fr. Camille Lefebvre na pumunta at mag-turo sa New Brunswick sa Kolehiyo ng Memramcook at duon nga niya itinatag ang "INSTITUTE OF THE LITTLE SISTERS OF THE HOLY FAMILY" na naglalayong maglingkod sa kaparian.

Noong 1895, tinulungan sila ng Obispo ng Sherbrooke na si Msgr. Paul Larcoque na ilipat ang kanilang bagong tatag na Kongregasyon sa kanyang Diyosesis. Unti-unti, lumaki ang kanyang itinatag na Kongregasyon. Tinawag ng Diyos ang Kanyang lingkod nuong ika-3 ng Mayo, 1912.

Nang araw ding iyon, ibinigay na sa kanya ang pahintulot upang mailimbag ang "LITTLE RULE" na naglalaman ng mga batas ng kanyang itinatag na Kongregasyon na hinintay niya ng 20 taon.

Kinagabihan ng araw na iyon, namatay na lamang siya ng hindi namamalayan matapos sabihin sa isang madre na may sakit din: "MAGKIKITA NA TAYO SA LANGIT!"

Isang babae na may pusong nagmamahal, kilala dahil sa pagiging simple, si Mo. Leonie ay nagiwan ng 600 relihiyosong madre na handang handa na sundan ang kanyang yapak sa pamamagitan ng pagtulong sa kaparian.

No comments:

Post a Comment